Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (November 25), umabot na sa 422,915 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.
Sa nasabing bilang, 27,745 o 6.6 porsyento ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 1,202 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
83.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.2 porsyento ang asymptomatic; 0.27 porsyento ang moderate; 2.7 porsyento ang severe habang 5.1 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 31 naman ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 8,215 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 183 naman ang gumaling pa sa COVID-19.
Dahil dito, umakyat na sa 386,955 o 91.5 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.