SSS pensioners, matatanggap na ang pensyon

Magandang balita para sa mga pensioner ng Social Security System.

Ito ay dahil simula sa Disyembre 1 ay matatanggap na nila ang kanilang pension para sa buwan ng Disyembre at 13th month pension.

Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni SSS president at chief executive officer Aurora Ignacio na pinoproseso na ang pondo para mailipat sa Development Bank of the Philippines.

Matatanggap naman aniya ang second batch ng pension sa Disyembre 16.

Samantala, simula naman sa November 27 ay ire-release na ng SSS ang calamity loan package para sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses, Rolly at Quinta.

Pero kinakailangan aniya na nasa state of calamity ang kanilang lugar.

“Ang calamity loan assistance package program po na ito ay kasama po ang calamity loan assistance, iyong loan, puwede po silang humingi ng three months advance pension para doon sa mga SSS pensioners ng SSS at saka EC pensioners; at puwede rin po silang umutang para sa direct house repair para sa kanilang nasalantang bahay,” pahayag ni Ignacio.

Maaari aniyang makapag-avail sa package ang mga miyembro na nakapaghulog ng kontribusyon sa loob ng 36 na buwan.

“Ang puwede po nilang mautang doon sa loan package na ito ay iyon pong kanilang katumbas na isang buwan na monthly salary credits na base po sa huling labindalawang monthly salary credits nila. Ira-round off natin ito sa nearest thousands. At ito po ay payable in two years,” pahayag ni Ignacio.

Read more...