Pagbabakuna vs COVID-19 sa 60-M Filipino, aabutin ng 3 hanggang 5 taon

By Chona Yu November 25, 2020 - 03:16 PM

Aabutin ng tatlo hanggang limang taon bago matapos ng pamahalaan ang pagbabakuna kontra COVID-19 sa target na 60 milyong Filipino.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., nasa dalawa hanggang 30 milyong katao lamang ang kayang mabakunahan kada taon.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang 60 milyong Filipino para magkaroon ng herd immunity.

Ayon kay Galvez, sa katapusan ng 2021 o sa 2022 pa maaaring masimulan ang pagbabakuna.

Mayroon na aniyang listahan ang pamahalaan kung saan 35 milyong Filipino ang bibigyang prayoridad ng bakuna.

Ayon kay Galvez, base ito sa isinumiteng listahan ng Department of Health (DOH) na naayon na rin sa gabay ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Uunahing turukan ng bakuna ang mga nasa National Capital Region, CALABARZON, Central Luzon, Davao, Cebu at Cagayan de Oro na nakapagtala ng mataas na kaso ng COVID-19.

Sa ngayon, nakikipag-negosasyon na ang pamahalaan sa mga kumpanyang AstraZeneca, Sinovac, Biotech at Pfizer para sa pagbili ng bakuna.

Aabot sa P73 bilyong pondo ang inilaan ng pamahalaan para sa bakuna.

TAGS: covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr., covid 19 vaccine, COVID-19 response, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Sec. Carlito Galvez Jr.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.