Pamahalaan nagtakda na ng price cap sa RT-PCR COVID-19 testing
Nagtakda na ng price cap ang pamahalaan para halaga ng RT-PCR COVID-19 testing sa mga paribado at pampublikong laboratoryo.
Sa online press briefing sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na ang presyo dapat ng COVID-19 testing sa public laboratories ay hindi tataas ng P3,800 kada test.
P4,500 hanggang P5,000 naman para sa pribadong laboratoryo.
Ang price cap ay itinakda ng DOH at ng iba pang ahensya ng pamahalaan batay sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng mga reklamo na mayroong mga pribadong laboratoryo na umaabot ng hanggang P20,000 ang presyo ng COVID-19 test.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.