Nagsagawa mg clearing operations ang mga tauhan ng Manila City Hall sa Divisoria.
Ito ay matapos mag viral sa social
media na dagsa na ang mga mamimili ngayong papalapit na ang Pasko at hindi nasunod ang health protocols gaya ng physical distancing kontra COVID-19
Ayon kay Irish Sarmiento, Team leader ng
Bureau of Permit-Manila City Hall ito ay base na rin sa utos ni Manila Mayor Isko Moreno.
Nilagyan ng guhit ang kalsada kung saan papayagan ang mga vendor na magtinda.
Ayon kay Sarmiento, kapag napicturan ang vendor na lumalagpas sa linya, otomatikong hindi na papayagan na makapagtinda.
Sinabi naman ni Zenaida Payawan, isang vendor sa Divisoria, magandang hakbang ito para na rin sa kaligtasan ng bawat isa at makaiwas sa COVID-19.
Ayon kay Antonio Bangayan, Brgy Kagawad ng Brgy 271, mismong ang mga vendor na ang bumuo ng grupo ng marshal na magbabantay sa isa’t isa.
Tulong aniya ito ng kanilang hanay sa lokal na pamahalaan para hindi maipasara ang kanilang pagmenegosyo.
Nagsagawa rin ng clearing operations sa Muello De Binondo.
Giniba ang mga tindahan na nasa gilid ng ilog.
Ayon kay Froilan Torres, may-ari ng ginibang tindahan, makikiusap na lamang siya kay Mauor Isko na payagan pa rin makapagtinda sa mga itinakdang lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.