Pasig River Ferry Service balik-operasyon na

Nakakabiyahe na mului ang Pasig River Ferry Service matapos maayos na ang mga terminal na napinsala sa pananalasa ng bagyong Ulysses.

Ang mga binuksan ng istasyon ang sa Pinagbuhatan sa Pasig City; Guadalupe sa Makati City; Hulo sa Mandaluyong City; Lambingan, Sta. Ana, Polytechnic University of the Philippines (PUP), Escolta at Lawton sa Maynila.

Nagsisimula ang operasyon ala-6 ng umaga hanggang ala-6 ng gabi.

Magugunita, itinigil ang operasyon ng ferry service matapos masira ang pontoons o docking platforms ng bagyo may dalawang linggo na ang nakakalipas.

Paalala lang ng MMDA mahigpit pa rin na ipinatutupad ang safety and health protocols sa mga pasahero partikular na ang pagsusuot ng mask at face shield, temperature check at physical distancing.

 

 

Read more...