Bilang ng health workers na mangangasiwa sa vaccination program kontra COVID-19, sapat ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng Palasyo ng Malakanyang na sapat ang manpower ng pamahalaan para pangasiwaan ang pagbakuna kontra COVID-19 sa 60 milyong Filipino.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, malawak ang karanasan ng Department of Health (DOH) pagdating sa mga vaccination program.

Hindi naman kasi aniya kailangan na doktor ang lahat na magtuturok ng bakuna.

Ayon kay Roque, maaring tumulong ang mga nurse at mga barangay health workers.

Una rito, inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nga pulis at sundallo na tumulong sa pangamgasiwa sa vaccination program kontra COVID-19.

 

 

Read more...