Sen. Lacson ipinanukalang makaltasan ng P63B ang budget ng DPWH

Nais ni Senator Panfilo Lacson na makaltasan ang P63 billion ang panukalang budget para sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ayon sa Senador, sa halip, ang nasabing halaga ay pwedeng i-realign sa national broadband program ng pamahalaan at ipantulong sa mga lalawigang nasalanta ng bagyo.

Sinabi ni Lacson na ipinanukala niya sa Senate finance committee na bawasan ng P63 billion ang DPWH budget.

Ani Lacson, P43 billion sa nasabing halaga ay pwedeng i-reallign sa national broadband program ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Habang ang P20 billion ay pwedeng gamitin para matulungan pa ang mga lalawigan na labis na nasalanta ng mga nagdaang bagyo.

Una nang pinuna ni Lacson ang P68-billion na halaga ng pondo ng DPWH para sa multi-purpose buildings.

Kung mayroong sosobra, sinabi ni Lacson na pwede ring magamit pandagdag sa budget ng Department of Education para sa ipinatutupad nitong flexible learning options at pangpondo sa pagpapatupad ng Department of Health sa Universal Healthcare Law.

 

 

Read more...