Hinatuan, Surigao del Sur niyanig ng magnitude 4.0 na lindol
By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2020 - 10:43 AM
Tumama ang magnitude 4.0 na lindol sa lalawigan ng Surigao del Sur.
Ayon sa PHIVOLCS, ang pagyanig ay naitala sa layong 36 kilometers northeast ng Hinatuan alas 10:25 ng umaga ngayong Miyerkules, Nov. 25.
18 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin nito.
Naitala ang Instrumental Intensity I sa Bislig City, Surigao del Sur.
Hindi naman ito inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.