Nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 nadagdagan ng mahigit 11,000 pa

Umabot na sa 1,413,684 ang bilang ng mga nasawi sa COVID-19 sa buong mundo.

Sa huling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER, pinakamaraming bilang ng nasawi sa US na umabot na sa 265,891.

Umabot naman na sa mahigit 170,000 ang bilang ng mga nasawi sa Brazil.

Ang death toll sa India ay mahigit 134,700 na.

Habang ang death toll sa Mexico ay umabot na sa mahigit 102,000 na.

Umabot naman na sa mahigit 41.5 million na ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Habang nasa mahigit 17.9 million pa ang aktibong kaso.

Narito ang bilang ng mga nasawi sa iba’t ibang ng mga bansa:

USA – 265,891
Brazil – 170,179
India – 134,743
Mexico – 102,739
UK – 55,838
Italy – 51,306
France – 50,237
Iran – 45,738
Spain – 43,668
Argentina – 37,432

Read more...