Barko ng Red Cross naglayag para sa unang humanitarian mission nito

Naglayag para sa kauna-unahang humanitarian mission ang M/V PRC Amazing Grace ng Philippine Red Cross.

Ang barko ay maghahatid ng tulong sa mga nasalanta ng Typhoon Rolly sa Catanduanes.

Lulan ng M/V Amazing Grace ang 1,000 kitchen sets, 1,000 jerry cans o water containers, 1,000 hygiene kits at 1,000 sets ng non-food items.

Maghahatid din ito ng dalawang sasakyan para magamit sa Catanduanes sa paghahatid ng mga tulong at serbisyo.

 

 

 

 

 

 

Read more...