Boxing icon, Senator Manny Pacquiao magkakaroon ng sariling mobile game

Sa susunod na taon ilulunsad ang mobile game tampok si Senator Manny Pacquiao.

Nakatakdang i-release ng OMG Inc. ang larong “Fighting Pride: The Manny Pacquiao Saga”.

Magkakaroon ng tatlong modes ang game – story mode, historical mode, at online player-versus-player mode.

Sa story mode, ang manlalaro ang magiging si Pacquiao mula sa pagkabata niya hanggang sa maging siya ay world-class boxer na.

Malalaro naman ng players ang mga career fights ni Pacquiao sa historical mode.

Habang maaring maglaban ang mga player sa online player-versus-player mode.

 

 

 

Read more...