24 na mga lungsod at lalawigan na nasalanta ng bagyo nahatiran ng tulong ng San Miguel Corporation

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2020 - 08:58 AM

Umabot na sa 24 na mga lungsod at lalawigan ang nahatiran ng tulong ng San Miguel Corporation.

Ang mga lugar ay pawang nasalanta ng mga bagyong Quinta, Rolly at Ulysses.

Ayon kay San Miguel Corp. President at COO Ramon Ang, sa nakalipas na dalawang linggong relief efforts ng kumpanya, umabot na sa P24 million ang halaga ng naipamahaging tulong.

Kinapapalooban ito ng food donations.

Tiniyak naman ni Ang na magpapatuloy pa ang relief efforts ng SMC.

 

 

 

TAGS: BUsiness, Quinta, Rolly, San Miguel Corporation, SMC, ulysses, BUsiness, Quinta, Rolly, San Miguel Corporation, SMC, ulysses

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.