Mahigit 17,300 na manggagawa sumailalim sa libreng swab test sa Maynila

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2020 - 08:15 AM

Umabot na sa 17,306 ang bilang ng mga indibidwal na naisailalim sa swab test sa free mass swab testing program sa Lungsod ng Maynila.

Ang libreng mass testing ay para sa mga public transport drivers, market vendors, hotel employees at mall workers.

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, patuloy ang pagsasagawa ng mass testing sa mga manggagawa sa lungsod para masiguro ang kaligtasan ng lahat lalo na ng mga mamimili sa palengke.

Maliban sa nabanggit na mga sektor, nasa 48,845 na rin ang kabuuang bilang ng mga naisailalim sa swab test (RT-PCR) sa anim na District Hospitals sa lungsod.

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, free mass swab testing program, hotel employees, Inquirer News, mall workers, market vendors, Philippine News, public transport drivers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, free mass swab testing program, hotel employees, Inquirer News, mall workers, market vendors, Philippine News, public transport drivers, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.