Water level ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Muling nabawasan ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 210.76 meters alas-6:00 umaga ng Miyerkules (November 25) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 211.17 meters.

Nabawasan din ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.51 meters mas mababa sa antas nito kahapon na 100.54 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan din na nasa 79.35 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.36 meters.

Ang water level ng San Roque, Pantabangan at Caliraya dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Binga at Magat dams.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

 

 

 

 

Read more...