Cardinal-designate Jose Advincula ng Capiz hindi makadadalo sa gathering of cardinal sa Vatican dahil sa travel restrictions

Dalawang cardinal-designates ang hindi makadadalo ng personal sa pagtitipon ng mga cardinal sa Vatican na gaganapin sa Linggo.

Ito ay dahil sa umiiral na travel restrictions bunsod ng pagkakaroon ng pandemic ng coronavirus disease (COVID-19).

Ayon sa Vatican news, sina Cardinal-designate Cornelius Sim, ng Apostolic Vicar of Brunei, at Cardinal-designate Jose Advincula ng Capiz ay kapwa hindi makadadalo sa gathering of cardinals.

Sa halip, lalahok na lamang sila sa pagtitipon virtually gamit ang digital platform.

Ayon kay Holy See Press office director, Matteo Bruni, ang iba pang miyembro ng College of Cardinals na hindi makadadalo sa pagtitipon ay lalahok via livestream.

 

 

 

 

 

Read more...