Pagpaparehistro para sa Service Contracting Program ng LTFRB simula na ngayong araw

By Dona Dominguez-Cargullo November 25, 2020 - 06:30 AM

Simula na ngayong araw ang general registration para sa mga driver na nais lumahok sa Service Contracting Program ng pamahalaan.

Ang mga kwalipikadong driver ay sasailalim sa General Registration at Orientation Activity simula ngayong Nobyembre 25 (Miyerkules) hanggang Nobyembre 29 (Linggo) para sa Service Contracting Program ng Department of Transportation (DOTr) at LTFRB.

Gaganapin ito sa Quezon City Memorial Circle Basketball Covered Court hanggang alas-singko ng hapon.

Sa ilalim ng programa, ang mga driver na naapektuhan ng pandemya ay tutulungang magkaroon ng siguradong kita sa kani-kanilang biyahe.

Sa mga tsuper na nais makalahok, maaring mag pre-register sa mga sumusunod na pamamaraan:

1. Magrehistro gamit ang Google Form. I-click ang link na ito: https://tinyurl.com/ServiceContracting;

2. Magrehistro sa Door D, Ground Floor, LTFRB Central Office, East Avenue, Quezon City. Maaring mag walk-in mula 9AM hanggang 4PM, Lunes-Biyernes; o

3. Tumawag sa aming Hotline: 1342 at ibigay ang impormasyon na hinihingi ng aming personnel.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, DOTrPH, General Registration, Inquirer News, ltfrb, Philippine News, Radyo Inquirer, Service Contracting Program, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, DOTrPH, General Registration, Inquirer News, ltfrb, Philippine News, Radyo Inquirer, Service Contracting Program, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.