Ayon sa Maynilad, tatagal pa hanggang November 29 ang nararanasang service interruption sa maraming lugar na sinusuplayan nila ng tubig.
Hindi pa kasi natatapos ang patatanggal ng makapal na putik sa ikatlong basin sa kanilang treatment plant.
Paliwanag ng Maynilad, kailangang ipatupad ang daily rotational water service interruption para masiguro na ang lahat ng apektadong customers ay may mga oras na may suplay ng tubig.
Ang updated na schedule ng interruption at ang mga apektadong barangay ay makikita sa Facebook page ng Maynilad.
Ang pagtanggal ng sludge mula sa ikatlong basin ng aming treatment plant ay hindi inaasahang magtatagal kumpara sa…
Posted by Maynilad Water Services, Inc. on Tuesday, November 24, 2020
Tiniyak naman ng Maynilad na patuloy na mag-iikot ang kanilang mobile water tankers para mag-deliver ng tubig.
Aasahan din ang mas maikling oras ng service interruption sa mga susunod na araw habang patuloy ang pag-build up ng tubig sa mga pipeline.