General Luna, Surigao del Norte niyanig ng magnitude 3.2 na lindol


Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang lalawigan ng Surigao del Norte.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 19 kilometers southeast ng bayan ng General Luna, alas-4:37 umaga ng Miyerkules (November 25).

May lalim na 9 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira ng mga ari-arian, intensities at aftershocks bunsod ng pagyanig.

Read more...