Ayon sa PAGASA, apektado ng tail-end of a frontal system ang eastern section ng Visayas, Amihan naman sa Luzon at easterlies naman sa iba pang bahagi ng Visayas at Mindanao.
Dahil sa tail-end ng frontal system, ang Eastern Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, at Caraga ay makararanas ngayong araw ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms.
Bahagya hanggang maulap na papawirin naman ang mararanasan sa Palawan, nalalabing bahagi ng Visayas at nalalabing bahagi ng Mindanao dahil sa easterlies at localized thunderstorms.
Habang isolated na pag-ulan lamang ang mararanasan sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon dahil sa Amihan.
Nakataas ang gale warning sa maraming baybaying dagat ng bansa partikular sa Ilocos Sur, Ilocos Norte, Batanes, Cagayan, Isabela, Aurora, Northern Quezon, Camarines Norte, Northern Coast ng Camarines Sur, Northern at Eastern Coast ng Catanduanes, Rapu-Rapu Island, Eastern Coast ng Sorsogon, Northern at Eastern Coast ng Northern Samar at Eastern Coast ng Eastern Samar.