Bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa Marikina 3,319 na

Tumaas pa ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19 sa lungsod ng Marikina.

Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page (Martes, November 24) pumalo na sa 3,319 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa virus.

Sa nasabing bilang, 127 ang active cases.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lungsod ay 85 na.

Ang bilang ng naka-recover o gumaling na sa sakit ay nasa 3,107 na.

Read more...