Bilang ng COVID-19 recoveries sa Laguna nasa 15,312 na

Tumaas pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 recoveries sa lalawigan ng Laguna.

Base sa huling datos ng Laguna PDRRMO at PHO (Huwebes, November 24, 12NN), 15,312 ang naitalang bilang ng mga nakarecover o gumaling na sa COVID-19 sa lalawigan.

Ang bilang naman ng COVID-19 related deaths sa lalawigan ay nasa 362 na.

Ang bilang naman ng active cases ay nasa 859.

Ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ay umabot na sa 16,533.

Samantala, nasa 7,768 naman ang bilang ng suspected cases at 79 ang probable cases.

Read more...