Ayon pa kay Recto, hindi na dapat hintayin na mangaroling ang health workers para sa kanilang mga benepisyo dahil labis-labis ang utang ng loob ng sambayan sa ginawa nilang sakripisyo.
Aniya, ang mga ito rin ang magbabakuna sa mamamayan kayat dapat sa pagpasok ng bagong taon ay walang utang sa kanila.
Diin ni Recto, kung ngayon pa lang ay may problema na sa pagbabayad ng iilan, maaaring mapagdudahan ang plano ng gobyerno sa pagbabakuna sa milyun-milyong Filipino.
Noon lang nakaraang linggo, nagpalabas ng dalawang kautusan si Pangulong Rodrigo Duterte para mabigyan ng karagdagang P3,000 hazard pay kada buwan ang health workers na frontliners sa pakikidigma sa COVID-19.
Nais din ng Pangulo na mabigyan ng P5,000 special risk allowance ang lahat ng private at public health workers na direktang nakakaharap ng mga pasyenteng taglay ang Coronavirus.