Umabot sa 17 residente sa Baguio City ang nagpositibo pa sa COVID-19.
Batay sa Baguio City COVID-19 monitoring hanggang 6:00, Martes ng gabi (November 24), umabot na sa 2,915 ang kabuuang bilang ng kaso ng nakakahawang sakit sa lugar.
Sa nasabing bilang, 208 ang aktibo pang kaso.
51 naman ang bagong gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 2,667 na ang total recoveries sa Baguio City habang 40 na ang death toll.
Batay pa sa datos, 236 ang naisagawang RT-PCR test sa araw ng Linggo.
Nasa 75,786 naman ang bilang ng mga nagnegatibong pagsusuri sa COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.