P340,000 halaga ng shabu, nasabat sa Negros Oriental
Nasamsam ng mga awtoridad ang P340,000 halaga ng hinihinalang shabu sa Tanjay City, Negros Oriental Lunes ng hapon.
Sanib-pwersa ang PDEA Central Visayas at Philippine National Police (PNP) sa isinagawa ang buy-bust operation sa bahagi ng Sitio Opao Barangay 9 bandang 5:10 ng hapon.
Naaresto sa operasyon ang drug suspect na si Niel Ryan Ferolino Torres, 29-anyos na residente ng Barangay 3.
Nakuha kay Torres ang tatlong pakete ng hinihinalang shabu, isang unit ng motorsiklo at ginamit na buy-bust money.
Mahaharap si Torres sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article 2 ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.