Sa botong 226 at wala namang pagtutol, lumusot ang House Bill 7722 na naglalayong amyendahan ang Presidential Decree 442 o ang Labor Code of the Philippines.
Sa ilalim ng panukala, ituturing na ‘acts of discrimination’ ang pag-pabor sa mga lalaking empleyado kumpara sa mga kababaihan pagdating sa assignment, promotion, training opportunities, pag-aaral at scholarship grants.
Kasama rin dito ang pagpabor sa lalaking empleyado kumpara sa mga kababaihan pagdating naman sa dismissal of personnel o application sa retrenchment policy gayundin ang pagtanggi na ibigay ang employment benefits at iba pang statutory benefits dahil lamang sa kanilang kasarian.
Ipinagbabawal din sa panukala ang pag-discharge o pagtanggal sa trabaho ng isang babae dahil sa pagbubuntis habang siya ay naka-leave o kaya’y naka-confine dahi sa pagdadalang tao.
Sa oras na maging ganap na batas, ang employer o sinumang kasabwat na mapatutunayang lumabag ay papatawan ng multang P50,000 hanggang P200,000 o kaya’y pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit ng dalawang taon.