Panukala para i-criminalize ang diskriminasyon sa mga babae sa trabaho, lusot na sa Kamara
Pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara ang panukala para sa pagbabawal sa diskriminasyon sa mga kababaihan.
Sa botong 226 at wala namang pagtutol, lumusot ang House Bill 7722 na naglalayong amyendahan ang Presidential Decree 442 o ang Labor Code of the Philippines.
Sa ilalim ng panukala, ituturing na ‘acts of discrimination’ ang pag-pabor sa mga lalaking empleyado kumpara sa mga kababaihan pagdating sa assignment, promotion, training opportunities, pag-aaral at scholarship grants.
Kasama rin dito ang pagpabor sa lalaking empleyado kumpara sa mga kababaihan pagdating naman sa dismissal of personnel o application sa retrenchment policy gayundin ang pagtanggi na ibigay ang employment benefits at iba pang statutory benefits dahil lamang sa kanilang kasarian.
Ipinagbabawal din sa panukala ang pag-discharge o pagtanggal sa trabaho ng isang babae dahil sa pagbubuntis habang siya ay naka-leave o kaya’y naka-confine dahi sa pagdadalang tao.
Sa oras na maging ganap na batas, ang employer o sinumang kasabwat na mapatutunayang lumabag ay papatawan ng multang P50,000 hanggang P200,000 o kaya’y pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon at hindi hihigit ng dalawang taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.