LOOK: 10 pelikulang pasok sa MMFF 2020

Sa kabila ng nararanasang COVID-19 pandemic, tuloy pa rin ang pagdaraos ng Metro Manila Film Festival (MMFF) sa taong 2020.

Inanunsiyo sa virtual press conference ang 10 pelikulang pasok sa final lineup para sa MMFF.

Kabilang dito ang mga sumusunod:
– Magikland
– Coming Home
– The Missing
– Tagpuan
– Isa pang Bahaghari
– Suarez: THe Healing Priest
– Mang Kepweng: Ang Lihim ng Bandanang Itim
– Pakboys Takusa
– The Boy Foretold by the Stars
– Fan Girl

Katuwang ang Globe Telecom, mapapanood ang mga pelikula online sa pamamagitan ng Upstream at GMovies.

Ayon kay MMFF chairman Danny Lim, hindi sapat na dahilan ang pagsasara ng mga sinehan para itigil ang MMFF.

Dahil online na mapapanood, sinabi nito na hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa ay maaari itong mapanood.
Samantala, sinabi naman ni MMFF spokesperson Noel Ferrer na hindi na kasama sa listahan ang “Praybeyt Benjamin 3” na pinagbibidahan ni Vice Ganda at ang “The Exorcism of My Siszums” kasama ang magkapatid na sina Toni at Alex Gonzaga.

Paliwanag nito, hindi kasi natapos ang shooting ng pelikula ni Vice Ganda dahil sa hectic schedule nito.

Hindi naman aniya umabot sa deadline ang pelikulang “The Exorcism of My Siszum” dahil sa pagkakaroon noon ni Alex Gonzaga ng COVID-19.

Read more...