Taas-singil sa toll fee sa NLEX, epektibo na sa Nov. 25

Magkakaroon ng taas-singil sa toll fee ng North Luzon Expressway (NLEX).

Sinabi ng NLEX Corporation na inaprubahan ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll rate adjustment na P4.00 kasunod ng pagbubukas ng NLEX Harbor Link.

Dahil dito, ang singil sa mga sasakyan na class 1 ay P58 na sa open system habang P266 naman sa end-to-end.

Sa class 2 vehicles, magiging P146 na ang toll rate kapag open system at P665 naman kapag end-to-end.

Kapag class 3 naman ang sasakyan, P175 na ang singil sa open system at P799 sa end-to-end.

Epektibo ang toll rate hike sa araw ng Miyerkules, November 25, 2020.

Read more...