Bangko Sentral, itinangging gumastos ng milyon para sa bagong logo
Mariing itinanggi ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na gumastos ang ahensya ng milyun-milyong piso para sa bago nitong logo.
Sa inilabas na pahayag, sinabi ng BSP na walang katotohanan ang lumabas na ulat na naglaan ng milyong halaga para sa bagong logo.
Iginiit ng ahensya na na-develop ang bagong logo sa pamamagitan ng kanilang ‘in-house talents.’
“The Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) informs the public that its new logo was developed by in-house talents who shared their skills in the process. Thus, no procurement was required,” pahayag nito.
Tumagal ng 10 taon ang pinalitang logo ng BSP.
Gagamitin naman ang bagong logo ng ahensya simula sa January 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.