PNP Chief Sinas, nangakong mabibigyan ng hustisya ang pagpatay kay Annayo
Nangako si Philippine National POlice (PNP) Chief General Debold Sinas sa naiwang pamilya ni Police Lt. Col. Walter Annayo na makakamit ang hustisya sa pagpatay sa dating Jolo Chief of Police.
Personal na nagtungo si Sinas sa Baguio City, Lunes ng gabi (November 23), upang makiramay sa pamilya ni Annayo.
Sinabi ng PNP Chief kay Alma Annayo, misis ng nasawing pulis, na ipinag-utos na niya sa Criminal Investigation and Detection Group ang pagsasagawa ng imbestigasyon sa kaso.
Ipinaalam din nito ang progreso ng imbestigasyon na isinagawa ng Police Regional Office Bangsamoro Autonomous Region.
Nag-abot naman si Sinas ng financial assistance sa pamilya Annayo family at sinigurong mabibigay ang lahat ng benepisyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.