Isang babae, sugatan nang mabangga ng bus sa EDSA Balinwatak

Photo credit: MMDA Metro Base

Sugatan ang isang babae makaraang mabangga ng bus sa Quezon City, Martes ng hapon.

Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tumawid ang biktima sa EDSA Balintawak Northbound.

Agad namang rumesponde ang mga otoridad sa pinangyarihan ng aksidente.

Sinabi ng MMDA na malubhang nasugatan ang biktima.

Photo credit: MMDA Metro Base
Read more...