BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, nasa 421,722 na

Mahigit 1,000 muli ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Martes (November 24), umabot na sa 421,722 ang confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 26,745 o 6.3 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,118 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

83.7 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 7.9 porsyento ang asymptomatic; 0.25 porsyento ang moderate; 2.8 porsyento ang severe habang 5.3 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 12 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 8,185 o 1.94 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 196 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 386,792 o 91.7 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...