Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ang dahilan kung kaya ipapasa na lamang ni Pangulong Duterte ang obligasyon ng pag-iimbestiga sa Office of the Ombuudsman.
Bukod dito, sinabi ni Roque na iginagalang din ng Pangulo ang lehislatura bilang hiwalay na sangay ng gobyerno.
“ I think it’s evidentiary. Sinabi naman po iyan ni Presidente na because this is an issue of evidence, mas mabuting mag-imbestiga ay ang Ombudsman dahil ang hurisdiksiyon ng Ombudsman ay lahat ng tao ng gobyerno, hindi lang po ang Ehekutibo or Legislative or Judicial ‘no,” pahayag ni Roque.
Mahirap aniya kung walang sapat na ebidensya.
“Ang problema po dito sa mga ebidensiya sa congressmen, ‘di umano mayroong mga proyekto na linuto ang bidding at ibinigay sa contractor na favored na nagbibigay ng porsiyento sa kaniya. So parang ang dami pong mga ebidensiyang kinakailangan na hindi naman po hawak ng Presidente nang personal ‘no. Unlike iyong mga ebidensiya na tumanggap ng suhol ang isang huwes ‘no na talagang madali naman pong ma-establish iyan by evidence,” pahayag ni Roque.
Sinabi pa ni Roque na wala ring pinagtatakpan si Pangulong Duterte.
Kahit pa aniya may makuhang ebidensya si Pangulong Duterte, hindi na siya nag-iimbestiga at sa halip ay ipauubaya na sa Ombudsman.