3 quarantine facilities, naitayo na sa Zamboanga Peninsula

By Angellic Jordan November 24, 2020 - 03:29 PM

DPWH photo

Tapos na ang pagsasagawa ng tatlong quarantine facilities sa Zamboanga Peninsula, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Ito ay bahagi pa rin ng mga hakbang ng kagawaran upang mapalawak ang healthcare infrastructure laban sa COVID-19 sa bansa.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, kayang ma-accommodate ng mga bagong quarantine facility ang 124 pasyente sa Zamboanga at Basilan.

Base sa ulat mula kay DPWH Region 9 Director Cayamombao Dia, sinabi ng kalihim na ang isolation facilities ay may hiwa-hiwalay na kwarto, hiwalay na entrance at exit para sa mga pasyente at staff, at mayroon ding comfort rooms.

Ani Villar, kabuuang 58 pasyente ang kayang ma-accommodate sa Isabela City Quarantine Facility sa bahagi ng Barangay Sumagdang sa Isabela City, Basilan.

Nasa 46 pasyente naman ang kayang ma-accommodate sa Sindangan Quarantine Facility sa Barangay Disud sa Sindangan, Zamboanga Del Norte.

Samantala, nai-turnover na sa lokal na pamahalaan ang pasilidad sa bahagi ng Barangay Maasin sa Ipil, Zamboanga Sibugay.

Magagamit ang bagong pasilidad para sa isolation and health monitoring sa 20 pang pasyente.

Nakatakda namang makumpleto ng DPWH ang ilan pang isolation facilities sa bansa para makatulong sa mga hakbang ng Department of Health (DOH) at LGUs sa laban kontra COVID-19.

DPWH photo

TAGS: DPWH, DPWH project, healthcare infrastructure, Inquirer News, quarantine facilities in Zamboanga Peninsula, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, DPWH, DPWH project, healthcare infrastructure, Inquirer News, quarantine facilities in Zamboanga Peninsula, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.