Wala pang rehistradong bakuna kontra COVID-19 ayon sa FDA

Muling nagpaalala sa publiko ang Food and Drug Administration (FDA) sa pagbili ng bakuna kontra COVID-19.

Ayon sa FDA, hanggang sa ngayon ay wala pang application for registration na natatanggap ang FDA para sa anumang bakuna kontra COVID-19.

Nangangahulugan ito na wala pang rehistradong bakuna para sa nasabing sakit.

At ang pagbebenta na at paggtamit nito ay ipinagbabawal.

Kung mayroon man umanong nabibiling bakuna online, ang mga ito ay hindi dumaan sa
registration process mg FDA at hindi naisyuhan ng proper authorization.

Hiniling din ng FDA sa publiko na i-report sa ahensya kung may nagbebenta ng bakuna kontra COVID-19.

Maaring magpadala ng email sa covidresponse@fda.gov.ph o tumawag sa (02) 88095596.

 

 

Read more...