Pangulong Duterte nangatwiran sa pagbibigay prayoridad sa mga pulis at sundalo sa bakuna kontra COVID-19
Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte sa plano ng pamahalaan na bigyang prayoridad sa bakuna kontra COVID-19 ang mga sundalo at pulis.
Ayon sa pangulo, kailangan niya kasi ang malusog na pulis at sundalo para mangasiwa sa vaccination program.
Kapag kasi aniya nagkasakit ang mga sundalo at pulis, wala na siyang mauutusan.
Ayon sa pangulo, ang mga sundalo at pulis ang utusan ng pamahalaan.
Halimbawa na lamang aniya ang mga nagdaang bagyong Rolly at Ulysses kung saan ang mga sundalo at pulis ang unang rumeresponde sa mga kalamidad.
Pakiusap pa ng pangulo sa publiko, huwag nang maging pasaway at sa halip tumulong sa mga sundalo at pulis sa pagpapanatili sa peace and order sa komunidad.
Hangga’t maari ayon sa pangulo, iwasan na ang pag-iinom at maghanap pa ng gulo.
Kung wala rin lang aniyang gagawin, mas makabubuting matulog at manahimik na lamang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.