Mga punerarya at establisyimentong may inuman sa Maynila tatanggalan ng lisensya
Agad na tatanggalan ng lisensya ni Manila Mayor Isko Moreno ang mga punerarya at mga establisyimento na nag-aalok ng inuman.
Ayon kay Mayor Isko, kasama rin ang mga pulis na nag-iinuman sa mga pampublikong lugar sa lungsod.
Base kasi aniya ito sa Ordinance 5555 na mahigpit na ipinagbabawal sa Lungsod ng Maynila ang pag-iinuman sa mga establisyimento na hindi kabilang sa mga restaurant, panciteria, carinderia, hotel o bar, gayundin sa kalsada o eskinita.
Inatasan na ni Mayor Isko sina Bureau of Permits Director Levi Facundo at Manila Police District Deputy District Director Col. Narciso Domingo na mag-ikot upang hulihin ang mga establisyimentong hindi sumusunod sa ordinansa.
Wala aniyang exception kapag may patay o birthday para mag inuman.
Kasabay nito, binalaan niya ang mga namumuno ng 13 na istasyon sa lungsod na kung mayroong lalabag sa Ordinance no. 5555 sa kanilang nasasakupan ay agad silang sisibakin sa kanilang tanggapan.
One strike policy aniyaang kanyang apiiralin ay agad na sibak ang precinct commander.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.