Sa resolusyong inihain ni Aguinaldo, iginiit nitong kailangang matingnan ang kaligtasan ng relocation sites para makagawa ng batas at mga regulasyon na epektibong magsusulong ng disaster resiliency sa housing resettlements.
Binigyang-diin nito na ang layunin ng paglilipat sa informal settler families ay para mabigyan sila ng ligtas na tirahan.
Ayon sa kongresista, dapat magkaroon ng assessment sa resettlement sites para kung lumabas na hindi ligtas ang mga ito ay agad magawan ng aksyon ng mga kinauukulan.
Kasunod ito ng ulat na pinaaalis ang mga residente sa resettlement sites gaya ng Kasiglahan Village sa Montalban, Rizal kasunod ng matinding pagbahang dulot ng Bagyong Ulysses.