Pagpapalabas ng pondo para sa mga MSMEs pinamamadali

By Erwin Aguilon November 24, 2020 - 11:27 AM

Hinimok ni Deputy Majority Leader Bernadette Herrera na madalin ang paglalabas ng pondo para sa mga micro-small and medium enterprises (MSMEs) na apektado ng pandemya sa ilalim ng Bayanihan 2 o Bayanihan to Recover as One Act bago pa man ito mapaso sa Disyembre 10.

Ayon kay Herrera, dapat tiyakin ng Department of Trade and Industry (DTI) na mapapakinabangan ng mga MSMEs ang P10 Billion na alokasyon para sa COVID-19 Assistance to Restart Enterprises (CARES).

Inilaan aniya ng Kongreso ang pondong ito para tulungan ang mga naghihikahos na MSMEs na ipagpatuloy ang kanilang mga operasyon at mabayaran ang mga empleyado.

Batay sa DTI, sa P10 Billion na pondo para sa CARES ay P8 Billion dito ang naibigay na sa SBCorp. upang mapautang sa pinakamababang interest rate ang mga maliliit na negosyo at ang industriya ng turismo.

Inaasahang 100,000 enterprises na makikinabang dito, 6,600 loans pa lamang ang naaaprubahan na katumbas ng P1.2 Billion habang 26,000 CARES loan application ang nakabinbin pa sa SBCorp.

 

 

 

 

 

TAGS: Bayanihan to Recover as One Act, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, micro-small and medium enterprises, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Bayanihan to Recover as One Act, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, MGCQ, micro-small and medium enterprises, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.