Isa sa tatlong treatment basins ng Maynilad fully operational na

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2020 - 09:17 AM

Matapos mapuno ng putik ay fully operational na ang isa sa tatlong basins sa treatment plant ng Maynilad.

Sa ngayon ayon sa Maynilad, pinupuno ng tubig ang ikalawang basin na natanggalan na ng putik.

Ngunit ang pagtanggal ng putik sa ikatlong basin ay maaring abutin pa ng dagdag na 5 araw para matapos gayundin ang muling pagpapataas ng produksyon ng tubig sa planta, at pagpuno ng mga reservoir.

Dahil dito, kinakailangan pang palawigin ng hanggang sa Nobyembre 29, 2020 ang kasalukuyang rotational water service interruption na ipinatutupad ng Maynilad upang masiguro na ang lahat ng apektadong customers ay magkakatubig sa loob ng ilang oras kada araw.

Ayon sa Maynilad aasahan naman ang unti-unting pag-ikli ng oras ng interruption sa mga susunod na araw habang tuloy-tuloy ang pag-buildup ng tubig sa mga pipeline.

Patuloy na mag-iikot ng ang mobile water tankers ng Maynilad upang makapag-deliver ng tubig.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, Inquirer News, maynilad, Philippine News, Radyo Inquirer, suldge, Tagalog breaking news, tagalog news website, treatment basins, UlyssesPH, Breaking News in the Philippines, Inquirer News, maynilad, Philippine News, Radyo Inquirer, suldge, Tagalog breaking news, tagalog news website, treatment basins, UlyssesPH

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.