Tradisyunal na family gatherings kapag Pasko isantabi muna ayon sa WHO
Sinabi ng World Health Organization (WHO) na mabuting iwasan na muna ang pagtitipon ng mga pamilya na nakagawian na tuwing panahon ng Pasko.
Ayon sa WHO, sa ganitong paraan ay mas maiiwasan ang paglaganap ng kaso ng COVID-19.
Ayon kay Maria Van Kerkhove, COVID-19 technical lead ng WHO, walang “zero-risk” options sa COVID-19.
Ang tanging opsyon lamang aniya ay lower risk o higher risk. Lagi aniyang nariyan ang bantang magkaroon ng pagkakahawaan ng sakit.
Sinabi ng opisyal na bagaman mahirap na hindi magkaroon ng pagtitipon ang pamilya sa Pasko, ito aniya ang pinakamainam na gawin.
Mas mabuti ayon sa WHO na gawing virtually na lamang ang family gatherings.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.