Antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon nabawasan sa magdamag

Nabawasan pa ang antas ng tubig ng Angat dam at iba pang dam sa Luzon sa sa nakalipas magdamag.

Ayon sa PAGASA-Hydrometeorology Division, ang antas ng tubig ng Angat dam ay nasa 211.17 meters alas-6:00 umaga ng Martes (November 24) mas mababa ito sa antas nito kahapon na 211.47 meters.

Nadagdagan naman ang antas ng tubig ng Ipo dam sa 100.54 meters mas mataas sa antas nito kahapon na 100.29 meters habang ang antas ng tubig ng La Mesa dam ay nabawasan na nasa 79.36 meters ngayong umaga mas mababa sa antas nito kahapon na 79.46 meters.

Ang water level ng Binga, San Roque at Pantabangan dams ay nadagdagan habang nabawasan naman ang antas ng tubig ng Ambuklao, Magat at Caliraya dams.

Patuloy naman sa pagpapakawala ng tubig ang Ambuklao, Binga at Magat dams.

 

Read more...