Pinakamataas na bilang ng pasahero mula nang magbalik-operasyon ang MRT-3 noong Hunyo, naitala kahapon

By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2020 - 06:38 AM

Nakapagtala ng kabuuang 121,023 na pasahero ang MRT-3 kahapon, November 23.

Ayon sa pamunuan ng MRT-3 ito na ang pinakatamaas na bilang ng mga commuters na sumakay ng tren simula nang magbalik-operasyon ito noong June 1, 2020.

Ito ay resulta ng mas pinataas na passenger capacity, mas mabilis na pagbiyahe ng mga tren at pagkakaroon ng mataas na bilang ng mga running at operational na train sets sa linya.

Magugunitang itinaas ang kapasidad ng mga tren sa 30% mula sa dating 13% lamang.

Mas pinabilis din ang takbo ng mga tren ng 50kph, mula sa dating 40kph, simula Noong Nov. 2.

 

 

TAGS: Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, dotr, Health, Inquirer News, MGCQ, MRT 3, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, ridership, Tagalog breaking news, tagalog news website, Breaking News in the Philippines, COVID-19, department of health, dotr, Health, Inquirer News, MGCQ, MRT 3, pandemic, Philippine News, public health concern, Radyo Inquirer, ridership, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.