South Korea nagbigay ng US$200,000 na donasyon para sa mga nasalanta ng bagyo
By Dona Dominguez-Cargullo November 24, 2020 - 06:16 AM
Nagbigay ng US$200,000 na donasyon ang pamahalaan ng South Korea sa Philippine Red Cross.
Ayon sa Red Cross ang naturang halaga ay para sa mga nasalanta ng nagdaang mga bagyo.
Personal na iniabot ni Ambassador Han Dong Man ng Embassy of the Republic of Korea kay Senator Richard Gordon ang donasyon.
Ayon kay Gordon, maraming komunidad ang mararating ng tulong na ito ng Korea.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.