Pamahalaan gagamitin ang P73B na halaga ng loans para pambili ng bakuna kontra COVID-19
Gagamitin ng pamahalaan ang P73.2 billion na halaga ng loans upang maipambili ng COVID-19 vaccines para sa 60 million Filipinos.
Ang halaga ng loan ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III ay magmumula sa Asian Development Bank at sa World Bank na aabot ng P40 billon, P20 billion mula sa local banks at government corporations, at P13.2 billion mula sa bilateral sources.
Kasado na ayon kay Dominguez ang malaking bahagi ng naturang halaga, maliban lamang sa P13.2 billion na patuloy pa ang negosasyon.
Snabi ni Dominguez na tinatayang $25 o P1,200 kada dose ang presyo ng bakuna.
Ang halaga ng mga nabanggit na loan ay kaya nang ipangtustos sa pagbabakuna sa aabot sa 60 million na katao.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.