Active COVID-19 cases sa Western Visayas, nasa 1,807
Nagpositibo ang 103 pang pasyente sa COVID-19 sa bahagi ng Western Visayas.
Ayon sa Department of Health Western Visayas Center for Health Development hanggang November 23, umakyat na sa 19,131 ang mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
1,807 sa nasabing bilang ang aktibong kaso ng nakakahawang sakit.
Sinabi nito na 80.08 porsyento ng mga kaso ng COVID-19 ay asymptomatic o walang nararanasang sintomas.
67 naman ang gumaling pa kaya 16,796 na ang total recoveries sa Western Visayas.
Umakyat naman sa 528 ang bilang ng nasawi sa rehiyon dahil sa nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.