SALNs ng DOTr execs, gagamitin sa graft and corrupt probes – DOJ chief
Nilinaw ni Justice Secretary Menardo Guevarra na sariling inisyatibo ng Department of Transportation (DOTr) ang pagsusumite ng kanilang mga opisyal ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Ayon kay Guevarra, gagamitin ng Task Force Against Corruption (TFAC) ang SALNs kung kailanganin sa pag-iimbestiga sa posibleng katiwalian sa kagawaran.
“Sec. Arthur Tugade mentioned this matter of submitting SALNs of DOTr officials to the DOJ task force during one of our meetings with the president. The task force will use SALNs showing assets which are grossly disproportionate to salaries as possible indicators of graft and corruption in the course of investigating officials or employees of the DOTr alleged to be involved in certain corrupt practices,” sabi pa ng kalihim.
Paglilinaw pa ni Guevarra, hindi naman nila inoobliga ang mga ahensiya na isumite ang SALNs ng kanilang mga opisyal at kawani sa task force sa katuwiran na maaari naman nila makuha ito kung kakailanganin nila.
Taong 2016 na simulan ni Tugade ang anti-corruption policies sa kanyang tanggapan.
Hanggang noong nakaraang taon, 20 kawani na ng kagawaran ang naalis sa puwesto, 17 ang sinuspinde at 128 ang tinanggal sa serbisyo dahil sa mga seryosong paglabag sa pagtupad sa kanilang tungkulin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.