Paliwanag ng senadora, bumaba na sa P100 milyon na lang ang dating P3.44 bilyon budget para sa naturang programa.
Sinabi ni Poe na layon ng programang mabigyan ng laptops, pocket Wi-Fi devices at iba pang gadgets ang may kalahating milyong estudyante at 25,000 guro para sa kanilang ‘distance learning.’
Binanggit din nito na ang isang programa ng DICT, ang Tech4Ed, para naman magkaroon ng learning centers na makakatulong para makapag-aral at magkaroon ng trabaho ang mga mahihirap.
Sinabi niya na maging ito ay tinapyasan ng pondo, mula P363 milyon ay naging P150 milyon.
“Isa ito sa pinaka-kailangan ng taumbayan ngayon lalo na’t maraming nasalantang imprastruktura noong nakaraang bagyo at nawalan ng mga laptop, computer, at gadgets na kanilang kailangan sa pag-aaral at pagtatrabaho,” sabi ni Poe, na nagpapahatid tulong sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa pamamagitan ng Panday Bayanihan Foundation.