574 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas

By Angellic Jordan November 23, 2020 - 08:29 PM

Umabot sa 574 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Linggo ng hapon (November 22), hanggang 5:00, Lunes ng hapon (November 23).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 319 kung saan 151 ang adult habang 168 ang menor de edad.

Sumunod dito ang mga hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 239.

Wala namang nahuling hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, dalawa ang nahuling umiinom, anim ang naninigarilyo habang walo sa iba pang ordinansa.

TAGS: curfew violator, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator, curfew violator, Inquirer News, Navotas Police, Radyo Inquirer news, social distancing violator

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.